Ang paksang ito ay tungkol sa impormasyon ng buhay ni Pang. Rodrigo Duterte. Marami pa din sa atin ang interesado kung ano ang naging buhay ni Duterte bago pa man siya ay naging pangulo. Sino nga ba talaga si Pangulong Rodrigo Duterte? Sapat ba ang dokumentaryong napanood tungkol sa kanya?
Masasabi ko naman na nailahad na ang lahat ng impormasyon upang malaman ang "background" ng pangulo at ang dokumentaryong napanood ko ay maayos nailahad at nakapanayam pa mismo si Duterte. Magaling maghayag si Jessica Soho pagdating sa mga programang pangdokumentaryo. Naging interesado din ako sa naging buhay ni Duterte noong kabataan niya. Naging bilib din ako sa katalinuhan niya at nakapagtapos din ito ng pag-aaral. Sa higit na 22 na taon, naging alkalde din siya sa lungsod ng Davao. At dyan siya nakakuha ng maraming karanasan sa politiko kaya't siya ay naging mayor ng Davao. At ang nalaman ko rin na ang kanyang ama ay dati rin gobernador ng Davao. Sa dami ng kanyang karanasan pagdating sa politiko, binansagan siya ng time magazine bilang "The Punisher" dahil ito ay strikto pagdating sa pagsunod sa batas. Para sakin, siya ay parang ang dating pangulo na si Ferdinand Marcos, madugo sa pamamahala ng bansa. Ang antas ng wika ay pormal dahil ito ay isang dokumentaryo na dapat ihayag ng maayos. Tulad ng pagpapakilala ni Jessica Soho ng kanyang sarili sa mga manonood. Ang tungkulin ng wika ay impormatib dahil ito ay nagpapahayag ng impormasyonn tungkol sa naging buhay ni Duterte at ang kanyang edukasyon bago pa man siya naging pangulo at heuristik dahil ito rin ay naghahanap ng iba pang impormasyon tulad ng pagpapanayam ni Soho kay Duterte tungkol sa naging buhay niya noon. At ang barayti ng wika ay sosyolek dahil ito ay ang pakikipag panayam sa iba.
Sa pangkalahatan, ang paksa na ito ay tungkol sa naging buhay ni Pangulong Duterte bago pa man siya naging pangulo ng Pilipinas. Ito ay inihayag sa pamamagitan ng isang dokumentaryo na pinapangunahan ni Jessica Soho.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento