Itong paksang ito'y tungkol sa pagbubuntis ng mga kabataang babae. Ito ay isang malaking problema na kinakaharap din ng bansa ngayon. Ito ay malaking isyu na pinag-uusapan sa bansa dahil marami na ang bilang ng mga "teenage mothers" bawat taong dadaan. Ano nga ba ang sanhi sa isyung ito? At ano ba talaga ang solusyon upang maiwasan o maiwala ang ganitong klaseng suliraning panlipunan?
Para sa akin, ito rin ay isa sa mga dapat tutukan ng bawat isa at mahalagang pag-aralan ang masamang epekto nito. Dapat maging bukas ang isipan ng mga kabataan ngayon upang maiwasan ang ganitong problema na magdudulot ng krisis. Ang pagdami ng mga kabataang nabubuntis ay nakakaapekto sa bilang ng populasyon sa isang lugar. At kapag hindi ito nasolusyunan, marami sa atin ang mahihirapan. At isa sa mga sanhi ng ganitong suliranin ay ang sintomas ng kahirapan. Nasa sa atin din ang desisyon kung gusto ba nating umunlad ang buhay o hindi. Pero para sakin bilang isang kabataang babae, dapat mapigilan ang suliranin na ito dahil sa dalawang dahilan. Una, nakakasira ng dignidad ang pagiging isang batang ina dahil wala pa akong sapat na kaalaman para lang matustusan ang pangagailangan ng bata. At pangalawa, tayo ay nasa "stage ng adolescence" at dapat natin magawa ang responsibilidad bilang mga kabataan na magiging isang magandang ehemplo sa lipunan. Ang antas ng wika ay pormal dahil nailahad ito sa pamamgitan ng isang artikulo. Sa tungkulin ng wika ito ay regulatori dahil ito ay pwedeng maging gabay para sa mga mambabasa tulad ng: "Makapangyarihang tugon sa isyu na ito: paggawa ng tamang desisyon, pastoral formation ng bawat pamilya, at gabay pang-ispiritwal", at impormatib dahil nagbibigay ito ng impormasyon sa paksa tulad ng: "Dalawang dahilan ng maagang pagbubuntis: pagkasira ng buhay ng pamilya at kawalan ng maayos na "female role models" sa kanilang tahanan". At ang barayti ng wika ay idyolek dahil ipinahayag ang artikulo sa malikhaing paraan at hinaluan ito ng personal na pahayag.
Sa pangkalahatan, ang teenage pregnancy ay isang malaking suliranin sa lipunan. Ito ay isa rin sa mga problemang pangkalusugan para sa mga kabataang babae. Dapat ito ay tinututukan din ng pansin dahil pag ito ay hindi napigilan, napakalaking problema ang maidudulot nito sa lipunan. At isa rin ito sa sintomas ng kahirapan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento