Martes, Setyembre 20, 2016

Basura Sa Bansa (batay sa isang sanaysay)

Ang paksang ito ay tungkol sa suliranin ng pagtatapon ng basura sa bansa. Ito ay sadyang walang katapusan ang problemang ito ay dahil walang hakbang ang gobyerno na magpatupad ng isang programa upang manghikayat sa taong bayan na magkaroon ng tinatawag na "garbage segregation". Hanggang kailan naba itong suliranin na ito? Wala naba talagang solusyon sa pagtatapon ng mga basura sa bansa?

Para sa akin, para masolusyunan ang ganitong suliranin ay dapat maningil sa mga taga paglikha ng mga basura at sila din ay dapat magtayo ng imprastaktura sa pag-aayos ng mga basurahan. At dapat sila din ang naglalagay ng mga basurahan sa bawat kanto ng daan. At upang maisakatuparan ang mga ganitong layunin, ang mga mamamayan rin ay dapat makipagtulungan at makiisa sa gobyerno. Hindi lamang dapat iisang tao ang gagawa ng ganitong klaseng kilos para sa bayan, dapat magtulungan ang taong bayan isaayos ang kalinisan sa bawat lugar sa bansa. Ang kaunlaran ay dapat maging daan sa mas magandang layunin para sa kalinisan at kaayusan ng bawat sulok at lugar sa bansa. Hindi dapat ito maging daan upang maging sanhi sa pagkasira ng kapaligiran. Sa paksang ito batay sa sanaysay na aking nabasa, ang antas ng wikang ginamit ay pormal dahil ito ay inilahad sa isang pormal na ayos na sanaysay. Ang panimula nito ay batay sa isang kasabihan na: "Hindi na bago sa mga Pilipino ang ideya na ito: ANG KAUNLARAN AY NAGDUDULOT NG PAGKASIRA NG KAPALIGIRAN". May katawan at konklusyon. Ang tungkulin ng wikan ay personal, regulatori, at impormatib. Dahil ito ay nagpapahayag ng sariling opinyon tulad ng: "Hindi masama ang pag-unlad kung hindi nakakasira ng kalikasan", nagkokontrol sa isipan ng mga nagbabasa sa pamamagitan ng panghihikayat ng: "Dapat pinapangalagaan rin ang kapaligiran kaabikat sa pag-unlad at dapat hindi ito maging sanhi sa pagkasira ng kalikasan", at nagbibigay ng impormasyon tulad ng: "Sa pagtatapon ng basura ay isa lamang sa maraming usaping pangkalikasan, at ito ay kaakibat ng kaunlaran sa lipunan". At ang barayti ng wika ay creole dahil itong paksa na ito ay may pormal na estraktura.

Sa pangkalahatan, ang suliranin sa pagtatapon ng basura sa bansa ay isa sa mga problemang pangkalikasan na taun-taon na hinaharap ng mga Pilipino. Ito ay dapat bigyan ng pansin at dapat pagtulungan ng gobyerno at mamamayan ng bansa. Ang kaunlaran ay dapat maging daan sa pangkalahatang kalinisan ng kapaligiran at hindi dapat ito maging sanhi sa pagkasira ng kapiligiran.                  

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento